|
|
|
|
My friends call me Angie. My other friends call me Cute(maybe because I'm petite, pero hindi talaga ako cute). Im friendly, talkative and silent type(extreme daw), loving(talaga lang), sentimental(at times), always feeling-happy, makulit(sobra) and I love cats and numbers!(but they do hate me) If u have nothing to do, I can bear with you-we can talk from dusk till dusk anything under the sun. Kung diin ka masaya, te suportahan ta ka! ![]() yet it lasts an eternity It has the power to crush someone so deeply while at the same time they know there’s no one else in the world they’d rather be with True love will knock down the walls of difficulty to be with that special one It will take your hand and fly over the world into a place where there’s no pain, no tears True love will withstand the test of time, forever waiting until its love is returned It never fails, never dies, never lets go of the one they love Mga Pasaway anepotz ganda ava babykiesha cranb3rry fickleminded gyll ian jenalyn joanskie jojiebed kiana labiduds[brain_biter] maggie meann nasankana nerbyos no_angel noringai pamie plue purpleprue resty sam saxifrage[yeye] seminarista sweetie winterglaze xeean zee rocks zoan Mga Tukso ng Buhay Peyups Pinoyexchange Photobucket Joke of the day Lyrics ko 'to Comedy.com Friendster Inq7.net On-line dictionary sA DaKO pA rOoN 1/31/04 Looking Back 2/17/04 Life can't be Perfect 3/20/04 A Friend In You 3/29/04 Island Adventure-Part I 4/22/04 Putting Passion into... 5/20/04 Computer.... 5/25/04 Si Budak 5/26/04 Am I that Ironic? 6/03/04 For you Bro! 6/10/04 Got A New Book! 6/10/04 Is that E? 6/22/04 For Ripley’s Record... Metrohan ng Bisita mula July 1,2004! |
Eksena sa bus... Hindi eto pangkaraniwang araw ngunit may isang ordinaryong eksena na nangyari sa bus. Maaaring ordinaryo sa akin na karaniwan nang sumasakay sa bus papunta at pag-uwi ng opisina na ngayon ay nagiging bihira na rin dahil sa serbisyo publiko nina jas at shie, ang aking magigiting na kasambahay. Madilim noon, maalinsangan ang gabi, kagagaling ko lang ng trabaho at pagod ang aking katawan sa walang humpay na trabaho at bugbog sa minamadaling deadline sa opisina. Imbes na sumama sa pagsamba ay mas pinili ko ang umuwi ng bahay dahil sa hindi kanais-nais na nararamdaman sa aking tyan. Ohaaaaaaaaa..... kala nyo seryoso ha, joke kaya eto hahaha. Ok patuloy natin ang makabuluhang kwento. Naisip ko pa na dahil huwebes ay mahihirapan akong sumakay ng taxi o bus. Kelangan kong tumawag ng service pero sa kasamaang palad ay battery empty ako. Naku po! Pero kailangan ko na talagang makauwi ng bahay at nag-aalburuto ang aking tyan sa hindi ko malamang dahilan. Sa bus ay may nakatabi akong mamang kabayan, buti na lang at hindi ibang lahi kasi baka mas lalong sumama ang aking pakiramdam. Matipuno ang kanyang katawan, maganda ang hubog ng mukha, magara ang kanyang damit, makinis ang balat at maganda ang gupit ng buhok. Sa madaling sabi, ako'y nananaginip ng gising dahil lahat ng sinabi kong katangian ay wala sa kanya........hahaha. "Saan ka nakatira?" ang pinakaunang sambit nya at doon nagsimula ang aking napakagandang biyahe sa bus. Dahil hindi naman ako isnabera ay sinagot ko naman ang kanyang katanungan subalit 'yon ay nasundan pa ng maraming tanong. Meron na akong natunugan kay kabayan. Siya ay iilan lamang sa maraming lalaking kabayan dito sa Doha na naiiba ang layon sa pakikipagkaibigan. Eto po ay katotohanan lamang. Sa dami ng tanong ni kabayan ay medyo nairita na ako. Sabi ko pa sa kanya: "Kuya naman, ang dami nyong tanong." Ngunit napangiti lang si kuya, tila wala syang pakialam. Isang tanong, isang sagot lang ako, kasi parang ayaw ko rin naman syang bastusin baka nga malinis ang kanyang hangarin. Pero tama ang aking hinala, may isang popular na tanong na hindi pa nasasambit si kuya at 'yon ay aking inaasahan sa kanya. "Single ka pa ba?" sambit nga nya. Walang kaabog-abog kong sinagot si kuya. "Hindi, married na po ako." Aba at nagsinungaling ka pa. Kelan ka pa naging ambisyosa sa bagay na 'yan iha? Hahaha. Hindi ko na yon mababawi, pangangatawanan ko na. Kung dati ay meron akong boyfriend sa pinas sa tuwing may nagtatanong sa akin ng ganyan ngayon ay nasa next level na ako, may asawa na ako. Oh di ba nakakatuwa? O nakakasuka ba? Hahaha. Pagbigyan nyo na ako, paminsan-minsan lang etong kwento ko. Lumipad na ang aking isipan, baka may itatanong pa si kuya na hindi ko napaghandaan. Muling tanong ni kuya kung kelan ako kinasal. Hindi na ako nagdalawang isip sa sagot ko. "Hindi pa po ako kasal kuya, pero parang kasal na rin kami at doon na rin ang punta kasi next year na yun eh." Meron nang inis sa sagot ko subalit sa kabilang dako ay natatawa ang aking isipan. Bakit kasi tanong ka ng tanong? Imbestigador ka ba? Alam kong hindi mapagtahi-tahi ang sagot ko, halatang hindi totoo...hahaha. Di bale.....basta.....ambot.....yun na yun. Aba at etong si kuya ay walang tigil ang dada, merong magkukwento ng tungkol sa trabaho nya at kung anu-ano pa. Pero hindi na ako sumasagot kay kuya, baka mabaling na naman sa kung saan ang kanyang katanungan. Nakakayamot na si kuya, nakakasuklam na! (sigurado ka?) Mabuti na lang at malapit na ang aking babaan. Ngunit bwiset na pagkakataon, dun din bababa si kuya! Nagmadali na akong bumaba ng bus, ganun din si kuya. Lalo akong nagmadali sa paglakad at ganun din sya. "Gusto mo dinner ka na lang sa bahay, may dala akong fried chicken." Tanong ni kuya na sumusunod sa aking likuran. "Huwag na po kuya, may pagkain sa bahay, salamat na lang po." Sagot ko sa kanya pero makulit pa rin kahit matigas na akong nagsasabi ng hindi. Medyo malayo na ako ng ilang metro sa kanya ngunit may huling hirit pa si kuya. "Oh sige hingi na lang ako ng cell number mo." Hay naku kuya sira po cell ko at hindi ako nagbibigay ng number ko. Yun ang huling sagot ko at lalo na akong nagmadali sa paglakad. Haaayyy... iba talaga si kuya, iba talaga ang mga hirit nya, ngunit hindi sya naiiba sa usong "style na bulok" ng karamihang kabayan dito. Kaya kailangan munang kilatisin ang mga kagaya ni kuya. Kasi pag kumagat ka, kawawa ka. Isa lang ang aking natutunan sa eksenang 'yon sa bus: Pag gumawa ka ng kwento siguraduhin mong alam mo nang buo at baka mawala ka sa kalagitnaan ng tanong ng mga kabayang pilyo.
Isang babala Hala.....meron lang po kasing isang pagbabadya na pwedeng mangyari sa "buhay na kwadernong" eto. Isang layon mula sa malalapit na kaibigan na gustong makibahagi at maki-usyoso sa madilim na nakaraan ng may-akda(ano daw?). Sa madaling salita, gusto po nila magbasa ng kakornihan sa buhay na nakalathala dito. Nais lang pong ipabatid na ang librong eto ay matagal na sanang nakasara sa madla at naging pribado na rin sya pansamantala. Ayaw lang po ng may-akda na masyadong ma-absorb ng mambabasa ang mga di kanais-nais na nakasulat dito. Subalit kung sa 'di inaasahang pagkakataon ay maaaring kapulutan sya ng aral at magbibigay ng aliw ay walang autibiling ibabahagi nya eto sa gustong magbasa. Yan ay isa lamang pong babala.
sweet madness Im always keeping this madness inside And i find it hard to believe That they couldnt think i can stand being alone Yet i can't speak of no reason at all but madness That someday you will come into my life unexpectedly This is the sweet madness of longing for the very persona I ever dreamt of coming in the most unenvisioned time.
Everyday a whisper of prayer is always in my heart The secret yearning of a lonely heart yet satisfied of God's grace Continues to ponder and wonder When will the rain pour and flood The dry and barren heart A heart ever questioning When will that sweet madness ever end? And how could it overcome the gentle kiss Of sudden sorrow and realization That every person needs somebody to share His/her piece of cake to a special someone
But this journey is neverending The delusion is enduring in silence Madness takes a nap for a while And will wake up again in wilderness Still ever dreaming every minute, every second of the day Sweet madness is hoped to be realized And be felt unto somebody Who feels the same way towards me.
Yet another year, another hurdle, another fight and another victorious conquest.. Yes!!! And another year of blessing had passed. As a matter of fact, im expecting many, many, many more years to come. That means more of God's provision and neverending shower of joy in my life. Isn't it amazing that despite the normal occasion of difficulty and crisis in my daily struggle to sail through wavy seas of life (what???), I still believe that I have my Bestfriend who would always be there to listen to my crying and would always dry my tears. So wonderful! I can't even get over this overwhelming emotions I have since then. I have all my prayers answered so far, except for that one thing I've been asking from Him since I was 26. But all I know is that God answers all my prayers not in my time but in His time for He has a wonderful plan for my life. His timing is always perfect. Therefore, I have nothing to worry about since He cares for me and He always will.
********************************** August 12, 2009 - Nothing really was there, just a piece of cake and a scoop of ice cream to my colleagues in Alfardan Centre (particularly ARE/HR peeps). Not everybody even knew it was my birthday. Not even my boss V...........lol. Of course i didn't tell him, he is supposed to remember or should he really? Ahhh whatever, the thing is I enjoyed that day. I was just surprised that MV was so persistent in giving me a gift that day. My golly I was contented enough to receive a gift (a stuffed toy even bigger than me,thanks shie,megs,ne,ate regz & mhina) and a surprise greeting (take note at 11pm, an hour before my b-day) from my cute (ehem) housemates. But he was so bothered and I can't say "no" any longer. So guess what did he buy for me? A PSP.....hahaha. What can i do but to say thank you. Anyway i also have a plan of buying such stuff few months from now so be it, just to satisfy his desire of giving a birthday present to me....lol. Another year always means another journey and another battle to conquer. My quest is neverending. The only thing I have totally conquered so far is the fear of tomorrow for I know that I have God with me who is directing my path. Though my faith is very much smaller than a mustard seed, it is enough to say that I have Him who direct my ways and guide my heart unto the best that I can to fulfill His will for my life. MY JOURNEY IS FOREVER JOYFUL WITH HIM!
Vacation is over! I couldnt imagine i have been working here in Qatar for more than a year already. Thats why i had my vacation last April 5 to May 7. Whew, days just flew so fast. And now I'm back to reality. Back to hell, back to work and back to the real world.
|